Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

AFP muling binalaan ang mga nasa Likod ng Fake News

Philippines Jef Maitem - : Jan 18, 2026 - : 9:42 pm

Muling nagbabala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa kumakalat na “fake news” sa social media kaugnay ng umano’y dibisyon sa hanay ng militar at sinasabing “realignments” sa pulitika ng bansa.

Sa pahayag na inilabas sa opisyal nitong social media page noong Sabado, Enero 17, sinabi ng AFP na ang mga maling impormasyong ito ay sinadyang likhain upang lituhin ang publiko at maghasik ng pagkakahati-hati sa pagitan ng mamamayan at ng mga awtoridad.

Ayon sa AFP, mahigpit nitong pinababalaan ang publiko laban sa pagpapakalat ng mga post at online content na maling nag-aangking may hidwaan sa loob ng militar, nag-uugnay sa mga sundalo sa pulitikal na galaw, o nagsasabing may sinusuportahang pulitikal na personalidad ang mga nakatataas na opisyal.

Giit ng ahensya, ang mga ganitong naratibo ay pawang fake news at sinadyang disinformation na naglalayong magdulot ng kalituhan, kawalan ng tiwala, at pagkakawatak-watak—sa loob man ng hanay ng militar o sa hanay ng mamamayang Pilipino.

Nilinaw naman rin ng AFP na nananatili itong nagkakaisa, propesyonal, at hindi kumikiling sa anumang panig sa pulitika.

“Ang aming katapatan ay nasa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino—hindi sa sinumang pulitikal na personalidad o adyenda,” pahayag ng AFP.

Samantala, hinimok ng ahensya ang publiko na maging mapanuri, tiyaking mula sa mapagkakatiwalaan at opisyal na mga pinanggagalingan ang impormasyon, at iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikadong content na maaaring magpalala ng pagkakawatak-watak at kaguluhan.

Matatandaang kamakailan ay naglabas na rin ng babala ang AFP kaugnay ng umano’y paggamit sa pangalan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa isang YouTube channel.

 

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us