Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Amerika, Binalaan ang Tsina Hinggil sa Ginagawang Panghaharas sa mga Barko ng Pilipinas

Philippines Jef Maitem - : Oct 14, 2025 - : 6:13 pm

Muling binalaan ng Amerika ang Tsina sa mga ginagawa nitong panghaharas sa mga barko ng Pilipinas sa West Philipppine Sea.

Ayon kay U.S. State Department spokesperson Thomas Pigott, saklaw ng kasunduang pangdepensa sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ang anumang pag-atake sa mga sasakyang pandagat at panghimpapawid ng Pilipinas, saan mang bahagi ng South China Sea ito maganap.

Ginawa ni Pigott ang pahayag nitong Martes sa harap ng panibagong panggigiit ng Tsina  malapit sa Pag-asa (Thitu) Island, na tinatawag ng China na Zhongye Dao.
Binigyang-diin ni Pigott na ang 1951 U.S.–Philippines Mutual Defense Treaty ay sumasaklaw sa mga armadong pag-atake laban sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mga pampublikong sasakyang pandagat, o mga sasakyang panghimpapawid — kabilang ang sa Philippine Coast Guard — saan mang bahagi ng South China Sea.

 

“Kinokondena ng Estados Unidos ang pambabangga at pagbanat ng water cannon ng China noong Oktubre 12 laban sa isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources malapit sa Pag-asa Island,” ayon sa pahayag ni Pigott.

Ayon kay Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), noong Linggo, tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nakadaong 1.6 nautical miles mula sa Pag-asa Island bilang bahagi ng kanilang misyon na suportahan ang mga mangingisdang Pilipino nang biglang lumapit ang Chinese Coast Guard (CCG) at mga hinihinalang militia vessels.

Sa isang press panayam ng mga mamahayag nitong Lunes, sinabi ni Tarriela na gumamit ang CCG ng water canon direkta sa BRP Datu Pagbuaya.

Matapos nito, binangga rin ng barkong Tsino ang hulihan ng Datu Pagbuaya, na nagdulot ng bahagyang pinsala sa estruktura ng barko. Wala namang nasugatang miyembro ng tripulante.

“Kapanalig namin ang Pilipinas sa kanilang pagharap sa mga mapanganib na aksyon ng China na nagpapahina sa katatagan ng rehiyon,” pahayag ni Pigott.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us