Nangako ang Estados Unidos na magde-deploy ng mga makabagong missile at unmanned system sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ito ni U.S. Defense Secretary Pete Hegseth nitong Martes sa kanilang pagpupulong ni Panglong Ferdinand Marcos Jnr sa Pentagon, isang araw bago
ang pakikipagkita nito kay US President Donand Trump sa White House.
“Magde-deploy kami ng mga makabagong misil at at unmanned system sa bansa. Kailangan nating bumuo ng isang matibay na panangga ng tunay na panlaban para sa kapayapaan, upang matiyak ang pangmatagalang seguridad at kasaganahan ng ating mga bansa,” sabi ni Hegseth kay Pangulong Marcos Jnr.
Bagamat hindi binanggit kung anong uri ng mga kagamitang pandigma ang ide-deploy, tiniyak ni Hegseth na wala silang intensyong makipagkonprontasyon.
“Ngunit kami ay handa sa anumang mangyari. Ipinagmamalaki naming suportahan ang ating pinagsasaluhang kaunlarang pang-ekonomiya, kabilang na ang inyong pagsusumikap na i-modernisa ang sandatahang lakas,” aniya.
Samantala, muling pinagtibay ni Hegseth ang pangako ng Estados Unidos sa matagal nang kasunduan nito sa Maynila.
Noong 1951, nagkasundo ang Maynila at Estados Unidos sa Mutual Defense Treaty — isang kasunduang nananatili hanggang ngayon. Nakasaad sa kasunduan na dapat magtulungan ang dalawang panig kapag may panlabas na pag-atake.
“Saklaw ng kasunduang ito ang mga armadong pag-atake laban sa ating sandatahang lakas, sasakyang panghimpapawid, o pampublikong sasakyang-dagat, kabilang ang ating Coast Guard, saanmang bahagi ng Pasipiko — kabilang na ang South China Sea,” giit ni Hegseth.
Bilang tugon, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jnr ang mahalagang papel ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea, kabilang na ang mas malawak na rehiyon ng Indo-Pacific, sa gitna ng tumitinding tensiyon sa heopolitika.
“Naniniwala ako na ang ating alyansa ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan, lalo na sa South China Sea,” ani Marcos Jr.
Noong nakaraang taon, pinadala rin ng Amerika sa Pilipinas ang Typhon launcher bilang bahagi ng Balikatan sa pagitan ng mga sundalo ng Amerika at Pilipinas. Ayon sa mga ulat, nananatili pa rin sa bansa ang MRC upang bigyang-daan ang mga tropang Pilipino na pag-aralan ito.
Mahigpit namang tinututulan ng Tsina ang pag-deploy nito sa bansa at inaakusahan ang Maynila at Estados Unidos na nagpapalala ng tensyon sa rehiyon ng South China Sea.
Base sa mga ulat, ang Typhon system ay may kakayahang magpaputok ng Standard Missile
6 (SM6) at Tomahawk Land Attack Missile, na aabot na higit sa 240km (150 milya) at 2,500km (1,550 milya) — mga layong sapat upang masaklaw ang South China Sea at ang Taiwan Strait.
Nitong nakarang buwan ng Abril, nag-deploy din ang U.S. ng kanilang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) missile system sa Batanes, isang maliit na lalawigan sa pinakahilagang bahagi ng Pilipinas na nakaharap sa Taiwan.
Ang NMESIS ay nagpapaputok ng Naval Strike Missile (NSM), isang precision-guided na misil na dumadaan sa mababang altitude sa ibabaw ng dagat, may kakayahang tumpak na makilala ang target, at may saklaw na humigit-kumulang 185 kilometro (115 milya).
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.