Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Army, Nagdeploy ng mga Tropa para sa Search and Rescue sa Landfill Landslide

Philippines Jef Maitem - : Jan 12, 2026 - : 11:07 am

Mabilis na nagdeploy ang 53rd Engineer Brigade ng Philippine Army ng kanilang Search, Rescue, and Retrieval Team (SRRT) kasunod ng landslide sa isang landfill sa Cebu City sa gitnang bahagi ng Pilipinas.

Pinalakas ng mga sundalong ang patuloy na search and rescue na pinangungunahan ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno nitong madaling araw ng Enero 9, 2026.

Noong Enero 8, naganap ang pagguho ng basura sa  Barangay Binaliw ang ikinasawi ng isang tao, ikinasugat ng tinatayang isang dosena, at ikinawala ng 38 iba pa, ayon sa mga awtoridad.

Ilang oras nakalipas, nailigtas ng mga rescuer ang 13 katao nang buhay, habang ipinagpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala na pinaniniwalaang na-trap pa sa ilalim ng mga debris.

Sa kabila ng mapanganib na kondisyon ng lugar at hindi matatag na bunton ng basura, patuloy ang SRRT sa kanilang retrieval operations habang sinisiguro ang kaligtasan ng lahat ng responders sa lugar.

Ipinapakita ng deployment na ito ang matibay na paninindigan ng Philippine Army sa humanitarian assistance at disaster response, sa pagbibigay ng mahalagang engineering support sa panahon ng emerhensiya bilang bahagi ng mandato nitong maglingkod at magprotekta sa sambayanang Pilipino.

Noong Hulyo 2000, isang malawakang pagguho ng basura sa isang dumpsite sa Quezon City ang ikinasawi ng mahigit 200 katao matapos ang ilang araw ng malalakas na pag-ulan. Ang trahedya ay nagbunsod sa pagpasa ng batas na nag-aatas ng pagsasara ng mga ilegal na dumpsite at mas maayos na waste management.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us