Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

USS Higgins conducted a Taiwan Strait transit on Sept. 20, 2022. US Navy Photo

Barkong pandigma ng Amerika, nagpatrolya sa West Philippine Sea

Philippines Jef Maitem - : Aug 14, 2025 - : 3:40 pm

Nagpadala ng Amerika ng dalawang barkong pandigma sa West Philippine Sea kasunod ng insidente noong Agosto 11 kung saan nabangga ng China Navy destroyer sa sariling nitong coast guard habang hinahabol ang isang barko ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan.

Namataan ang USS Higgins (DDG-76) at USS Cincinnati (LCS-20) na naglalayag sa layong 30 nautical miles mula sa Scarborough Shoal, habang nagsasagawa ng maritime patrol flight  ang Philippine Coast Guard kasama ang ilang kasapi ng media nitong Miyerkules.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, ang dalawang barko ng U.S. ay “isinasagawa lamang ang karapatan at kalayaan sa paglalayag” alinsunod sa pandaigdigang batas.

Idinagdag pa niya na ang pagpapatrolya ng U.S. Navy ay tuwirang hamon sa “mga restriksyon sa innocent passage na ipinataw ng China.”

Sa ulat ng Global Times, sinabi  kasi ni Senior Captain He Tiecheng, tagapagsalita ng People’s Liberation Army Southern Theater Command, na kanilang “pinakilos ang kanilang pwersa upang magbantay, magbigay ng babala, at paalisin” ang barko ng Amerika.

Itinanggi naman ng U.S. ang pahayag ng Tsina.  Pinagdududahan din ni Tarriela ang bersyon nng militar ng Tsina hinggil sa insidente.

“Batay sa pahayag na ibinigay ng pamahalaan ng U.S., ang dalawang barkong pandigma ay nagsasagawa ng freedom of navigation at overflight sa harap ng mga barko ng China sa lugar,” sinabi ni Tarriela sa isang press conference.

Ang USS Higgins ay isang Arleigh Burke-class guided missile destroyer na isinabak sa serbisyo noong 1999. Idinisenyo ito bilang isang makapangyarihang multi-mission warship na may kakayahang magsagawa ng air defense, surface combat, at missile strikes.

Samantala, ang USS Cincinnati (LCS-20) naman ay isang Independence-class Littoral Combat Ship na isinabak sa serbisyo noong 2020, na itinayo para sa mga high-speed operations sa mababaw na baybaying-dagat.

Ayon kay Angelica Escalona, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA), “batid” ng ahensya ang isinasagawang freedom of navigation operations (FONOPs) ng Estados Unidos malapit sa Bajo de Masinloc.

Matagal nang nasasangkot ang Maynila at Tsina sa tumitinding alitan sa teritoryo sa South China Sea. Ang pinakahuling insidente ay naganap noong Agosto 11, nang bumangga ang isang destroyer ng Chinese Navy sa sarili nitong coast guard habang hinahabol ang isang barko ng Pilipinas sa pinagtatalunang Second Thomas Shoal.

Ayon kay Gen. Romeo Brawner Jnr, hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, isa sa mga opsyon ng Maynila upang pigilan ang agresibong aksyon ng Tsina ay ang magpadala ng mga naval asset sa pinagtatalunang karagatan.

Sinabi rin ni Brawner na isa pang opsyon ay ang magsagawa ng mga pagpapatrolya kasama ang mga kaalyado malapit sa Scarborough Shoal.

“Marami tayong opsyon. At isa pa sa mga opsyon ay magsama ng kaalyado sa ating mga pagpapatrolya. Huwag nating kalimutan, hindi tayo nag-iisa sa rehiyong ito — may iba pang mga bansa sa rehiyon. Kaya maaari tayong magsama-sama upang kumilos laban sa mga agresibong aksyon na ito ng China,” ani Brawner.

Bagama’t hindi niya idinetalye ang iba oa nitong contingency plan, sinabi ni Brawner na hindi natutugunan ng insidente ang mga kundisyon para sa pag-activate ng Mutual Defense Treaty (MDT) kasama ang Estados Unidos.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us