Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Cebu Pacific, Ginawaran ng Parangal sa London

Philippines Jef Maitem - : Sep 23, 2025 - : 10:02 pm

Ginawaran kamakailan ang Cebu Pacific ng Airline Economic Sustainability Aviation Lease Deal of the Year sa London.

Pinarangalan ang sustainability-linked Japanese Operating Lease with Call Option (JOLCO) ng kompanya, na nagpondo sa pagdating ng bagong Airbus A321neo noong Disyembre 2024.

Ang Airline Economics Sustainability Awards ay nagbibigay-pugay sa mga kumpanya at indibidwal sa larangan ng pinansya at leasing na nagsusulong ng makabuluhang pag-unlad tungo sa pagbabawas ng carbon emissions ng industriya ng aviation.

Personal na tinanggap ng chief executive officer ng Cebu Pacific na si Mike Szucs ang parangal sa seremonya na ginanap sa Natural History Museum sa Cromwell Road, London.

Ang CEB ang tanging low-cost carrier sa Timog-Silangang Asya na nakakuha ng ganitong uri ng financing—isang estruktura na karaniwang nakalaan lamang para sa piling grupo ng mga pandaigdigang airline.

“Mahalaga ang sustainability sa paraan ng aming paglago. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng aming financing sa mga layunin ng sustainability, ipinapakita naming maaaring magsabay ang estratehiya at pananagutan,” pahayag ni Mark Cezar, Chief Financial Officer ng CEB, sa isang kalatas noong Setyembre 17.

“Pinatitibay nito ang negosyo, nagbibigay-daan upang makapag-invest kami sa mga makabagong fuel-efficient na sasakyang panghimpapawid, at lumilikha ng dagdag na halaga para sa aming mga pasahero,” dagdag pa ni Cezar.

Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang Cebu Pacific na tutuparin ang nasusukat na mga target upang mabawasan ang carbon emission intensity ng kanilang fleet. Kapag nakamit ang mga layuning ito, makatatanggap ang airline ng mga insentibong pinansyal.

Ang A321neo na nakuha sa pamamagitan ng JOLCO financing ay bahagi ng pangmatagalang estratehiya ng CEB na lumipat tungo sa all-NEO fleet—isang mahalagang hakbang sa kanilang pangakong bawasan ang carbon emissions sa operasyon. Ang mga NEO ay 20% mas fuel-efficient kumpara sa mga lumang modelo ng eroplano, kaya’t malaking bawas sa carbon emissions ang naibibigay nito sa bawat lipad.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us