Pinatatag ng Japan ang kakayahan ng Pilipinas sa pagmamanman sa mga sa mga aktibidad ng Tsina sa South China Sea matapos nitong i-turn over ang limang coastal radar systems.
Pinondohan ang nasabing proyekto sa ilalim ng Official Security Assistance o OSA program Fiscal Year 2023 grant na nagkakahalaga ng 600 milyong yen.
Kabilang sa mga ibinigay ang radar units, surveillance at monitoring equipment, communications systems, at iba pang support components na layong palakasin ang coastal monitoring at maritime security operations ng bansa.
Ayon sa pamahalaan, inaasahang mapapahusay nito ang Maritime Domain Awareness ng Philippine Navy.
Sa ginanap na seremonya noong Miyerkules, binigyang-diin ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang kahalagahan ng tulong ng kanilang bansa.
“Ang okasyong ito ay hindi lamang paglipat ng mahalagang kagamitan mula sa Japan patungo sa Pilipinas kundi isang makabuluhang hakbang sa lalong pagpapalalim ng partnership ng ating dalawang bansa,” aniya.
Idinagdag pa nito na hindi dapat ipagwalang-bahala ang kapayapaan at katatagan, at kailangan itong aktibong pangalagaan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Ayon pa kay Endo, makatutulong ang mga radar system upang mas mapabuti ang kakayahan ng Pilipinas na subaybayan ang mga aktibidad sa nakapaligid na karagatan.
Samantala, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na nakabatay ang ugnayan ng Pilipinas at Japan sa magkakatulad na prinsipyo, tiwala, at pangmatagalang pagpapahalaga.
“May mutual trust at sinseridad. Ang approach ng Japan sa bilateral relations nito sa Pilipinas ay nakaugat sa fundamental sincerity at values,” pahayag niya.
Noong Hulyo ng nakaraang taon, lumagda ang Manila at Tokyo sa Reciprocal Access Agreement na naglalayong palakasin ang maritime security sa South China Sea sa gitna ng tumitinding assertiveness ng China sa pinagtatalunang karagatan. Pinapayagan ng kasunduan ang deployment ng puwersa ng Japan at Pilipinas para sa joint military drills sa teritoryo ng bawat isa.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.