Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Mga kinatawan ng New NAIA Infra Corp at SIA Engineering Philippines Corporation, sa isang pagpupulong ukol sa pagtatayo ng bagong pasilidad sa NAIA.

Kompanya ng pagkukumpuni ng eroplano, magbubukas sa paliparan ng Maynila sa Setyembre

Philippines Jef Maitem - : Aug 13, 2025 - : 9:36 pm

Isang kompanya ng pagkukumpuni ng eroplano, na mayoryang pagmamay-ari ng Singapore Airlines Group, ang nakatakdang magbukas sa susunod na buwan sa Ninoy Aquino International Airport upang magsilbi sa mga lokal at internasyonal na industriya ng abyasyon.

Inanunsyo ni Ramon Ang, pangulo at CEO ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), nitong ika-anim ng Agosto na ang SIA Engineering Philippines Corporation ay nagdesisyong papalawakin ang kanilang operasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng sangay nito sa NAIA.

Ang (SIAEP)—isang subsidiary ng SIA Engineering Company Limited (SIAEC), ay isa sa pinakamalalaking tagapagbigay ng serbisyo sa pagkukumpuni at pag-aayos ng mga eroplano sa Asia.

“Malaking tulong ito para sa NAIA at sa industriya ng abyasyon ng Pilipinas. Malugod naming tinatanggap ang SIAEP at inaasahan naming makipagtulungan sa kanila upang mapabuti ang suporta para sa mga eroplano na nag-ooperate dito,” pahayag ni Ang.

Sa kasalukuyan, ang SIAEC  ay nag-ooperate sa Clark, Pampanga, sa pamamagitan ng subsidiary nito.

Kilala sa larangan ng pagbibigay-serbisyo sa maraming nangungunang airline, ang pagpapalawak ng SIAEP sa NAIA ay nagpapakita ng tiwala sa mga modernisasyong ipinatutupad sa paliparan at sa potensyal nito bilang mas matatag na sentro ng abyasyon.

Sinasabing ang presensya ng kompanya sa NAIA ay nakikitang pakikinabangan hindi lamang ng mga lokal na airline, kundi pati ang mas malawak na industriya ng abyasyon, dahil magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa pagpapaunlad ng kasanayan, pagpapalitan ng kaalaman, at pagbibigay ng trabaho sa larangan ng pagkukumpuni ng eroplano.

Bukod pa rito, makatutulong ito sa mas mabilis na turnaround ng mga eroplano at mas pinahusay na teknikal na suporta, na kapaki-pakinabang para sa parehong mga airline at pasahero.

Samantala, maliban sa SIAEC, sinabi ni Ang na may iba pang malalaking MRO (maintenance, repair, and overhaul) companies na nagpahayag na rin ng interes na magtatag ng presensya sa nasabing Paliparan.

“Bahagi ito ng mas malawak naming pagsisikap na itaas ang pamantayan ng NAIA at gawing mas mahusay at mas maaasahang gateway, hindi lamang para sa mga biyahero, kundi para sa buong industriya ng abyasyon,” binigyang-diin ni Ang.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us