Eurofighter EF-2000 Typhoon Tranche 5 fighters jets. Photo by Leonardo)
Inaalok ng kumpanyang Leonardo mula Italya ang kanilang Eurofighter Typhoon Tranche 5 sa Maynila upang mapahusay ang kakayahan ng bansa na magpakita ng lakas-militar.
Ayon sa mga ulat, si Constantino Pravini Rosati, Pangalawang Pangulo ng Leonardo para sa Eurofighter Typhoon Exports, ay itinalaga ng Eurofighter Consortium noong 2023 upang pamunuan ang kampanya para ialok ang Eurofighter EF-2000 Typhoon Tranche 5.
Batay sa badyet ng Philippine Air Force para (PAF) sa 40 sasakyang panghimpapawid, ibinunyag g Leonardo na maaari itong maghatid ng 32 Eurofighter Typhoon Tranche 5 fighters kasama ang mga bala at sandata. Kabilang dito ang MBDA Meteor beyond-visual-range air-to-air missiles, ASRAAM short-range air-to-air missiles, Brimstone air-to-ground missiles, at Storm Shadow cruise missiles, bukod sa iba pa.
Sinabi ng kumpanyang Leonardo na ang alok ay isasagawa sa pamamagitan ng isang Government-to-Government deal na may flexible na paraan ng pagpopondo at opsyon para sa lokal na produksyon ng mga bahagi ng Typhoon.
Sa ilalim ng alok, maaaring bigyan ng puwesto ang Pilipinas sa linya ng produksyon, na magpapahintulot sa PAF na matanggap ang unang batch ng mga Eurofighter sa taong 2028 kung malalagdaan ang kontrata pagsapit sa susunod na taon.
Ang pagsasanay naman ng mga piloto ay gagawin sa International Flight Training School sa Sardinia, Italy.
Ipinahayag rin ng Leonardo ang kumpiyansa na ang Eurofighter Typhoon Tranche 5 ay kayang tapatan ang mga fighter jet ng Tsina gaya ng J-10, J-11, J-16, at ang J-15 ng PLA Navy.
Sa kasalukuyan, may 11 FA-50 jets lamang ang PAF na binili mula sa Korea Aerospace Industries (KAI) noong 2014. Isa sa mga eroplanong ito ang bumagsak noong Marso sa isang taktikang misyon sa katimugang bahagi ng Pilipinas, na ikinasawi ng dalawang piloto.
Noong Hunyo, lumagda ang Maynila ng kasunduan sa Korea Aerospace Industries na nagkakahalaga ng US$700 milyon para sa pagbili ng 12 upgraded FA-50 Block 70 light fighters. Nakatakda itong maideliber mula 2026 hanggang 2030.
Samantala, nong buwan ng Marso, inanunsyo ng Washington na inaprubahan nito ang bentahan sa Maynila ng 16 F-16C Block 70/72 jets at apat na F-16B Block 70/72 fighters na nagkakahalaga ng US$5.58 bilyon.
Gayunman, inamin ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na patuloy pang naghahanap ng pondo ang pamahalaan upang mabili ang mga fighter jet mula Amerika.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.