Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Lufthansa Technik, magbibigay ng teknikal na suporta sa PAL Express

Philippines Jef Maitem - : Jul 30, 2025 - : 6:46 pm

Lumagda ang Lufthansa Technik at PAL Express (PALex) ng pangmatagalang kasunduan para sa pagsu-supply ng mga bahagi sa buong fleet ng Airbus A320.

Saklaw ng nasabing kasunduan ang serbisyong pagkukumpuni, at overhaul ng mga bahagi ng eroplano, kabilang ang access sa pandaigdigang spare parts ng Lufthansa Technik at homebase stock na itatalaga sa pasilidad ng PALex sa Pilipinas.

“Kumpiyansa kami na ang komprehensibong sistema ng component support ng Lufthansa Technik ay makatutulong sa amin na mapanatili ang mataas na antas ng operasyon habang patuloy kaming lumalago at nagseserbisyo sa aming mga pasahero,” ayon kay PALex President Rabbi Vincent Ang.

Dagdag pa nito: “Sa pamamagitan ng mga serbisyong may pandaigdigang antas sa maintenance, pagkukumpuni, at overhaul ng mga bahagi, ang PAL Express ay handang maghatid ng mas mataas na antas ng pagiging maaasahan at kahusayan para sa aming mga pasahero. Ang pagkakaroon ng spare parts sa Maynila, na sinusuportahan ng malawak na access sa pasilidad ng Lufthansa Technik sa Hong Kong, Singapore, Hamburg, at Frankfurt, ay nagsisiguro na ang mga eroplano ay agad na naseserbisyo at nananatiling lumilipad.”

Sa loob ng maraming taon, may matibay na ugnayan ang Philippine Airlines at Lufthansa Technik—isang ugnayang lalo pang pinatatag sa paglipas ng panahon.

Sa kasalukuyan, pinalalawak na rin ng PALex ang pakikipagtulungan nito sa tagapagbigay ng teknikal na serbisyo para sa mga eroplano.

Kamakailan lamang, lumagda ang PALex  ng kasunduan sa Lufthansa Technik AERO Alzey para sa MRO services ng PW150 engines na ginagamit sa mga De Havilland Canada Dash aircraft nito.

“Sa pamamagitan ng aming pandaigdigang network ng mga materyales at spare parts, nananatili kaming nakatuon sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo,” ayon kay Jens Michel, Vice President for Corporate Sales North East Asia ng Lufthansa Technik.

“Habang patuloy na lumalago at pinalalawak ng PAL Express ang operasyon nito, kami ay nasasabik na makapag-ambag sa kanilang tagumpay at higit pang mapalalim ang aming ugnayan. Inaasahan naming makamit ang mas matataas pang tagumpay nang magkasama.”

MORE NEWS

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2024. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us