Nag-deploy ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ng mga modernong sasakyang panghimpapawid upang maghatid ng suplay ng ayuda sa mga lugar na nasalanta ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 1, sinabi ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na dalawang S-70i Black Hawk helicopter ang ipinadala upang maihatid ang 190 sako ng bigas patungo sa mga liblib na komunidad ng Cagayan na labis na naapektuhan ng Bagyong “Opong” (pandaigdigang pangalan: Bualoi) at Bagyong “Nando” (pandaigdigang pangalan: Ragasa).
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nag-iwan ang mga bagyo ng 19 na nasawi, 18 ang sugatan, 14 ang nawawala, at mahigit 2 milyong residente ang nawalan ng tirahan.
Base sa opisyal na pahayag ng PAF or Phiippine Air Force, nagsagawa sila ng sunod-sunod na misyon mula noong Setyembre 26 bilang suporta sa mga operasyon ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) ng pamahalaan sa Hilagang Luzon.
Naisagawa ang mga nasabing misyon sa tulong ng Tactical Operations Squadron Lal-lo sa ilalim ng Tactical Operations Group 2, katuwang ang Philippine Marine Corps at mga sibilyang.
“Sa pamamagitan ng mga tuluy-tuloy na operasyong ito, muling pinagtitibay ng PAF (Philippine Air Force) ang matatag nitong paninindigan para sa serbisyong makatao—na maihatid ang agarang tulong sa mga pinakamalayong komunidad at matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa panahon ng krisis,” nakasaad sa pahayag ng PAF.
Samantala, sa isa pang ulat, nagpadala rin ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ng dalawang S-70i Black Hawk helicopter mula sa 205th Tactical Helicopter Wing upang maihatid ang ilang tauhan ng 53rd Engineer Brigade ng Philippine Army patungong Bogo City, Cebu na tinamaan ng lindol.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.