Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

PAL at Cebu Pacific Kiansela ang 84 Flights dahil sa Airbus Technical Advisory

Philippines Jef Maitem - : Nov 30, 2025 - : 12:23 pm

Aabot sa 84 na flight ang kinansela ng Philippine Airlines at Cebu nitong Sabado matapos maglabas ang Airbus ng technical advisory na nakaapekto sa ilang A320 at A321 aircraft models.

Nangyari ito matapos ang insidente ng JetBlue noong nakaraang buwan na iniuugnay sa isang software flaw na kalauna’y natukoy na dulot ng solar radiation interference. Nagbabala ang mga regulator na posibleng magkaroon ng panandaliang aberya habang ina-update ng mga airline ang kanilang sistema.

Ayon sa PAL, maaaring mag-rebook ang mga apektadong pasahero, gawing travel credits ang kanilang tiket, o mag-request ng refund.

Samantala, sinabi naman ng Cebu Pacific na puspusan ang trabaho ng kanilang operations at engineering teams para tapusin ang kinakailangang updates. Pinayuhan ang mga pasahero na i-check muna ang flight status sa kanilang website bago pumunta sa paliparan.

Ihihayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na 75 aircraft sa Pilipinas ang kailangang isailalim sa software update. Sa tala ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 93 flight ang apektado—82 ang kanselado at 11 ang delayed—hanggang Sabado ng umaga.

“Pinag-usapan namin ito kasama ang airlines, Civil Aviation Authority of the Philippines, at Civil Aeronautics Board, at napagpasyahan naming agad na ipatupad ang software update,” sinabi ni Lopez sa Filipino sa isang press conference.

Sinabi naman ni Lopez na natanggap ang advisory mula Airbus bandang 1 a.m. nitong Sabado at sinimulan ang implementation isang oras pagkatapos nito. Binigyang-diin niya na seguridad ng pasahero ang pangunahing prayoridad.

“Hinding-hindi tayo maaaring mag-take ng risk. Galing mismo sa manufacturer ang direktibang ito kaya kailangan natin itong sundin,” aniya sa isang ambush interview.

Sa buong mundo, posibleng umabot sa 6,000 Airbus A320 family jets ang maaapektuhan. Ilan sa mga airline sa United States, Europe, at South America—kabilang ang American Airlines, Air France, Avianca at Air India—ay nag-ulat din ng cancellations at delays habang isinasagawa ang kanilang updates.

 

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us