Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

MGen Francisco F Lorenzo Jr., Commander of the AFP Education, Training and Doctrine Command, pins the ALON Exercise 2025 patch on Deputy Chief of Joint Operations MGen Hugh McAslan. Photo by PFC Carmelotes PN(M)

PH at Australia, nagsagawa ng pagsasanay-militar sa lalawigang kaharap ng South China Sea

Philippines Jef Maitem - : Aug 18, 2025 - : 5:44 pm

Sa gitna ng tumitinding tensyon, inilunsad kamakailan ng Pilipinas at Australia ang dalawang linggong pagsasanay ng kanilang hukbong sandatahan sa Palawan, isang isla na kaharap ng South China Sea.

Ang pagsasanay-militar na tinawag na Exercise Alon 25 ay kasalukuyang nilalahukan ng 3,600 na tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines at Australian Defense Force. Kalahok din sa pagsasanay ang mga kasapi ng Royal Canadian Navy at ng Marine Rotational Force – Darwin ng United States Marine Corps.

“Sumasagisag ang bandila ng Alon sa ating pagkakaisa ng layunin—ang ating kahandaang maglayag at magmartsa nang magkasama para ipagtanggol ang kapayapaan,” ani AFP Chief Romeo Brawner Jr.

“Ang mga patch na suot ngayon ng ating mga sundalo ay tanda ng pagiging bahagi—ng isang pangkat na lumalagpas sa pambansang hangganan, nagsasalita ng iisang wika ng tungkulin, at nagbabahagi ng iisang misyon.”

Sa pagsasanay  na tatagal hanggang Agosto 29, itatampok ang paggamit ng isang guided-missile destroyer, mga F/A-18 supersonic fighter jets, isang C-130 transport aircraft, mga Javelin anti-tank missiles, at mga sniper weapons.

Ayon kay Vice Admiral Justin Jones, Chief of Joint Operations ng Royal Australian Navy (RAN), ipinapakita ng Exercise Alon 25 ang lakas ng ugnayang pangseguridad ng kanilang bansa at Pilipinas.

Mula nang unang isinagawa ito noong 2023, lumawak ang Exercise Alon upang isama ang pagsasanay sa larangan ng dagat, himpapawid, at kalupaan, na may mahalagang suporta rin mula sa larangan ng cyber at kalawakan, ani Jones.

“Ang tunay na halaga ng pagsasanay na ito ay nagmumula sa ugnayan ng tao-sa-tao at sa pagkakataong magbahaginan ng kaalaman kapag nagsasagawa tayo ng ganitong kalaking Exercise. Matapos ang Exercise Alon 25, magkakaroon tayo ng karanasang higit na magpapalakas ng ating interoperability kasama ang Pilipinas, at titiyak na kaya nating magtulungan para sa seguridad ng rehiyon,” pahayag ni Jones.

“Ang Exercise Alon 25 ay isang pagkakataon para sanayin kung paano tayo magkakatuwang na tutugon sa mga pinagsasaluhang hamon sa seguridad, at magpakita ng pwersa sa malalayong distansya sa Indo-Pacific,” dagdag pa niya.

Ang Australia ang ikalawang pinakamalaking katuwang ng Pilipinas sa larangan ng depensa at seguridad, at isa lamang sa dalawang bansa na may Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) kasama ng bansa.

Noong Abril ngayong taon, tinulungan ng Australia ang Maynila na palakasin ang kakayahan nito sa maritime domain awareness at matugunan ang mga pangangailangang operasyonal sa pamamagitan ng pormal na donasyon ng 20 yunit ng Unmanned Aerial Systems.

Noong huling bahagi ng 2024, inanunsyo rin ng Canberra na dodoblehin nito ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa larangan ng civil maritime cooperation na aabot sa ₱649 milyon mula 2025 hanggang 2029.

 

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us