Maintenance Repair & Overhaul Space Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Philippine Navy, kinomisyon ang bagong advanced vessel na BRP Diego Silang

Philippines Jef Maitem - : Dec 2, 2025 - : 7:52 pm

Kinomisyon ng Philippine Navy ang advanced vessel na BRP Diego Silang, na itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng depensa sa West Philippine Sea.

Pinasinayaan ang barko sa Naval Operating Base–Subic sa Zambales, sa pangunguna ni Defense Acquisitions chief Salvador Melchor Mison Jr.

Ayon sa Navy, agad na sasabak ang frigate sa maritime patrols at joint activities na layong palakasin ang deterrence capability ng Armed Forces.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Mison na ang BRP Diego Silang ay patunay ng patuloy na pag-usad ng military modernization programme at isa pang hakbang sa pagpapatibay ng depensa ng bansa.

“Ang Diego Silang ay malinaw na mensahe na patuloy na mamumuhunan ang Pilipinas sa mga programang nagpapalakas ng maritime domain awareness, nagpapahusay ng deterrence, at nagpapatatag sa ating kakayahan na ipatupad ang rule of law,” aniya.

Dagdag pa niya, dadalhin ng barko “ang pag-asa, determinasyon, at matatag na paninindigan ng sambayanang Pilipino.”

Ang Diego Silang, na ginawa ng Hyundai Heavy Industries, ay dumating sa bansa noong Setyembre mula South Korea.

Ipinangalan sa isang bayaning rebolusyonaryo, ang barko ay may habang 118 metro at armado ng anti-air at anti-submarine weapons—mga kakayahang matagal nang kailangan ng Pilipinas.

Kasama ang BRP Miguel Malvar, na naihatid mas maaga ngayong taon, ang Diego Silang ang bumubuo sa sentro ng P28-bilyong (US$483 milyon) kontrata sa South Korea’s HD Hyundai na nilagdaan noong Disyembre 2021.

Noong 2022, nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., siyam lamang ang pangunahing barko ng Navy’s Offshore Combat Force—at wala sa mga ito ang maituturing na ka-level ng modernong fleets ng Indonesia, Vietnam, Singapore, o China.

Ngayon, mayroon na itong apat na guided-missile frigates, at inaasahang darating pa ang anim na Rajah Sulayman-class offshore patrol vessels, na ginagawa rin ng HD Hyundai, pagsapit ng 2028.

 

MORE NEWS

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2024. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us