Nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan sa katatapos na pagpupulong nitong Biyernes sa Phnom Penh, partikular sa punong himpilan ng Royal Cambodian Army (RCA). Ito’y dinaluhan nina Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido at RCA Commander Gen. Mao Sophan.
“Sinusuportahan ng pamunuan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang makabuluhan at epektibong mga pakikipag-ugnayang militar sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia bilang isang paraan upang palakasin ang kooperasyong rehiyonal at isulong ang layunin ng kapayapaan at kaunlaran sa Timog-Silangang Asya,” ayon kay Galido sa isang pahayag.
Matapos ang pagpupulong, nagsilbi namang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita si Galido sa joint closing ceremony ng Philippine Army–Royal Cambodian Army Mobile Training Team, na isinagawa nitong Sabado sa Royal Cambodian Armed Forces Training Center sa Kampong Speu.
Nakipagpulong rin si Galido kay Cambodian Senate President Samdech Hun Sen, isang dating opisyal ng militar na nagsilbi bilang punong ministro ng Cambodia mula 1998 hanggang 2023.
Matatandaang noong taong 2023 nilagdaan ng magkabilang panig ang isang Terms of Reference agreement na lumikha sa PA-RCA Army Working Group — isang kasunduang nagpapadali sa pinagsamang pagpaplano at koordinasyon upang maisulong ang palitan at ugnayang military.
Bagamat hindi kabilang ang Phnom Penh sa mga umaangkin sa South China Sea, nananatiling matatag ang ugnayan ng dalawang bansa, kahit na paminsan-minsan ay nagiging komplikado ang posisyon ng Cambodia sa ilang isyu dahil sa malapit itong kaalyado ng Tsina.
Inaangkin ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea, kabilang ang mga bahagi na inaangkin din ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, at Vietnam. Noong 2016, ibinasura ng isang pandaigdigang tribunal ang mga pag-aangkin ng Tsina at idineklarang wala itong legal na batayan — isang desisyon na patuloy na tinatanggihan ng Beijing.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.