Nilagdaan ng Pilipinas at Canada ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) nitong Linggo sa Makati City, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa at seguridad.
Pinangunahan ang paglagda nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Canadian Minister of National Defence David McGuinty.
Ang Pilipinas ang unang bansa sa Indo-Pacific na nakapagtatag ng SOVFA sa Canada — isang mahalagang hakbang tungo sa mas malalim na ugnayang pangdepensa at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Sa ilalim ng kasunduan, nakasaad ang legal na balangkas para sa mga puwersang militar ng dalawang bansa na magsasagawa ng joint training, military exercises, at defense activities.
Layon nitong palakasin ang interoperability at logistics cooperation sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Canadian Armed Forces (CAF) para sa mas matatag na kooperasyon at pagpapalakas ng kakayahang pangdepensa.
Sa kanilang bilateral meeting, kapwa iginiit nina Teodoro at McGuinty ang kanilang pagpupunyagi na paigtingin ang defense cooperation batay sa mutual respect, strategic trust, at rules-based international order.
Ang pagbisita ni McGuinty sa Maynila ay kauna-unahan para sa isang Canadian Defense Minister, na simbolo ng mas pinaigting na ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa.
Ayon kay Teodoro, ang mas malalim na defense ties ng Pilipinas at Canada ay bahagi ng estratehikong hakbang ng gobyerno upang palakasin ang kooperasyon sa mga bansang kapareho ng adhikain para sa kapayapaan, katatagan, at pambansang katatagan.
Ipinahayag naman ni McGuinty ang kahandaan ng Canada na makipagtulungan sa Pilipinas sa pamamagitan ng patuloy na dayalogo, joint activities, at multilateral cooperation para sa isang ligtas at matatag na Indo-Pacific region.
Ang kasunduang ito ay bunga ng nagpapatuloy na defense dialogue ng dalawang bansa, kabilang na ang pagpupulong nina Teodoro at Deputy Minister of National Defense ng Canada Stefanie Beck sa Seoul Defense Dialogue noong Setyembre 2025.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2024. GBP. All Rights Reserved.