Nangako ang Pilipinas na palalakasin pa nito ang ugnayang pangdepensa sa pagitan ng Timog-Silangang Asya at India, na tinukoy ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. bilang isang “superpower.”
Sa pahayag ng Department of National Defense (DND) nitong Lunes, sinabi ni Teodoro ang naturang mensahe sa ASEAN-India Defense Ministers Informal Meeting na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Oktubre 31.
“Ikinararangal nating gumanap ng papel sa pagpapalakas ng ugnayang pangdepensa ng Timog-Silangang Asya at India bilang country coordinator ng ASEAN,” ayon kay Teodoro.
Dagdag pa ni Teodoro, lalo pang paiigtingin ng Pilipinas ang nasabing kooperasyon sa oras na ito’y maging chair ng ASEAN sa susunod na taon.
Nagpasalamat din ang kalihim sa India sa matatag at tuloy-tuloy nitong pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi ng ASEAN, at binigyang-diin ang papel ng Pilipinas bilang country coordinator para sa ASEAN-India dialogue relations mula 2024 hanggang 2027.
“Ang India ay isang superpower, isang lider sa agham, teknolohiya, at inobasyon. Malaki ang maiaambag nito sa paglago ng ASEAN, bilang katuwang sa larangan ng depensa at iba pang sektor, at bilang tagasuporta ng katatagan at pagkakaisa ng ASEAN,” ani Teodoro.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan sa digital defense, cybersecurity, artificial intelligence, konektibidad, seguridad sa pagkain at enerhiya, katatagan sa klima, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.
Ang pagpupulong ay ginanap kasabay ng ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at 12th ADMM-Plus mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1.
Bukod sa Pilipinas, kabilang sa mga kasapi ng ASEAN ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2024. GBP. All Rights Reserved.