Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Ang forward operating base in Mahatao, Batanes.

Pilipinas, Pinatitibay ang Puwersang Militar sa Batanes

Philippines Jef Maitem - : Sep 2, 2025 - : 3:43 pm

Inihayag ng Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy) ang pagtatayo ng forward operating base sa Batanes, ang pinakahilagang probinsya ng bansa na nakaharap sa Taiwan — isang hakbang na nakikita ng ilang eksperto bilang paghahanda sakaling sumiklab ang tensyon sa Taiwan Strait.

Matatagpuan sa bayan ng Mahatao ang pasilidad  na magsisilbing himpilan ng Navy at Marines sa ilalim ng Northern Luzon Naval Command na inatasang magbantay sa Luzon Strait, ayon kay Lt. Gen. Fernyl Buca, hepe ng Northern Command, sa isang pahayag.

Partikular, pinatitibay ng base na ito ang kakayahan ng Maynila na ipagtanggol ang hilagang hangganan.

“Pinatitibay ng Mahatao Forward Operating Base ang ating kakayahang ipagtanggol ang hilagang hanggahan,” ayon kay Buca.

Ang bagong pasilidad-militar ay itinayo matapos ilarawan ng isang eksperto sa karagatan ang hindi pangkaraniwang presensya ngayong nitong mga ilang linggo ng mga armadong barko ng China Coast Guard sa Bashi Channel, na bahagi ng Luzon Strait.

Ayon kay Chester Cabalza, isang security analyst, makatutulong nang malaki ang bagong base sa pagpapalakas ng maritime domain awareness sa Luzon Strait, partikular sa pagpigil sa mga pagpasok ng mga dayuhan.

“Isinasara nito ang mga puwang sa pambansang seguridad laban sa madalas na pagpasok ng mga dayuhang agresor, lalo na’t ang Batanes ay isang probinsyang nasa unahan lamang ng Taiwan,” ani Cabalza.

Idinagdag nito na ang forward operating base ay “nagsisilbing contingency base sakaling magkaroon ng digmaan sa Taiwan Strait.”

“Ang forward operating base ay isang estratehikong launching point at logistical hub para sa mas mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng sapilitang pagsalakay military,” paliwanag ni Cabalza.

Samantala, sinabi naman ni Navy Rear Adm. Roy Vincent, tagapagsalita ng Hukbong Dagat para sa West Philippine Sea, na ang bagong base ay magbibigay-daan sa puwersa ng Pilipinas na “siguruhin at ipagtanggol ang ating teritoryo nang higit pa sa kakayahan natin ngayon.”

“Ang ating karapatang pandagat ay ang ating kinabukasan. Ang base na ito sa Batanes ay nagbibigay sa atin ng matibay na posisyon upang ipakita ang ating presensya at protektahan ang hilagang hangganan,” ayon kay Trinidad.

Itinuturing ng China ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo na maaari nilang pag-isahin gamit ang puwersa kung kinakailangan. Bagama’t hindi kinikilala ng Estados Unidos ang Taiwan bilang isang malayang estado, tinututulan nito ang anumang pagtatangkang sakupin ang sariling pinamumunuang isla sa pamamagitan ng dahas at nakatuon itong magbigay ng armas para dito.

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us