Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Pilipinas, posibleng makatanggap ng $2.5 bilyong military aid mula sa U.S. sa ilalim ng 2026 defense bill

Philippines Jef Maitem - : Dec 21, 2025 - : 11:24 pm

Posibleng makatanggap ang Pilipinas ng hanggang $2.5 bilyon na tulong-panseguridad mula sa Estados Unidos sa ilalim ng 2026 National Defense Authorization Act o NDAA — na itinuturing na pinakamalaking defense investment ng Washington sa matagal na nitong kaalyado.

Ikinatuwa nina U.S. Senators Bill Hagerty ng Tennessee at Tim Kaine ng Virginia ang pag-apruba ng Kongreso sa Philippines Enhanced Resilience Act, na layong palalimin ang defense cooperation at palakasin ang interoperability ng dalawang bansa sa gitna ng tumitinding hamon sa seguridad sa Indo-Pacific.

Ayon kay Hagerty, mahalagang paigtingin ang kooperasyon ng Estados Unidos at Pilipinas habang humaharap ang dalawang bansa sa mga hamon sa seguridad at kaunlaran sa West Philippine Sea at sa mas malawak na rehiyon ng Indo-Pacific.

Dagdag niya, ang bipartisan bill ay makabuluhang magpapataas ng U.S. security assistance sa Pilipinas at magpapalakas at magmo-modernisa sa defense at deterrence capabilities ng alyansa ng dalawang bansa. Umaasa rin siyang lalagdaan ni Pangulong Donald Trump ang panukala bilang batas.

Sa ilalim ng defense bill, maglalaan ang Philippines Enhanced Resilience Act ng $2.5 bilyon sa loob ng limang taon, kung saan $1.5 bilyon ang magiging available sa fiscal year 2026 para sa pagbili ng kagamitan at pagsasanay ng puwersang Pilipino upang mapangalagaan ang soberanya ng bansa.

Prayoridad ng pondo ang coastal defense, long-range fires, air defense, at maritime domain awareness — mga kakayahang target ng Pilipinas sa ilalim ng Horizon Three ng AFP modernization program, ngunit nahirapang pondohan dahil sa kakulangan ng pondo.

Ayon naman kay Senador Kaine, mahalagang kaalyado ng Estados Unidos ang Pilipinas at kailangang palakasin ang kooperasyon sa mga partner sa rehiyon upang kontrahin ang agresyon ng China at matiyak ang kalayaan, seguridad, at kaunlaran sa Indo-Pacific.

“Ikinagagalak kong naisama sa defense bill ang ating panukala para palakasin ang security partnership ng Estados Unidos at Pilipinas,” ani Kaine.

 

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us