Maintenance Repair & Overhaul Air Cargo

Home - Regional Stories - Philippines

Pilipinas, Tiniyak ang Patuloy na Pagpapatrolya sa South China Sea sa Kabila ng Tensiyon

Philippines Jef Maitem - : Oct 26, 2025 - : 9:36 pm

Tiniyak ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines na hindi ito titigil sa pagpapatrolya sa South China Sea sa kabila ng patuloy na panggigipit ng Tsina.

Binigay ng military ang katiyakan sa publiko sa gitna ng paggamit ng Tsina ng marahas na taktika laban sa mga barko ng Pilipinas, kabilang ang paggamit ng water cannon at high-intensity lasers.

Ang pinakahuling insidente ng panghaharas ay naganap noong Oktubre 12, kung saan pinaputukan ng mga puwersang ng Tsina ng water cannon at binangga ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Pag-asa Island.

“Patuloy natin itong poprotektahan sa tulong ng ating mga Marines, ng ating Navy, at walang tigil ang ating mga pagpapatrolya. Araw-araw halos ay may lumilipad tayong mga eroplano upang magsagawa ng patrol doon,” ani AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jnr.

Iginigiit ng bansang Tsina  ang pag-aangkin sa halos buong South China Sea, kabilang ang mga bahagi ng Isla na inaangkin din ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, at Vietnam.

Noong 2016, ibinasura ng isang pandaigdigang tribunal ang mga pag-aangkin ng Tsina at idineklarang walang legal na batayan — isang desisyong patuloy na tinatanggihan ng Beijing.

Samantala, ibinunyag naman ng hepe ng militar na gumagamit ito ng tatlong estratehiya upang tugunan ang mga hakbang na ginagawa ng Tsina.

Kabilang rito ang pagpapanatili ng presensiya, pagpapalakas ng kakayahang panangga, at pagpapatibay ng alyansa sa mga bansa.

 

MORE NEWS
gbp-logo

Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.

Popular Posts

Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.

Home Defence & Security Space Commercial Aviation Maintence Repair & Overhaul Daily News Events About Us