Nangako ang Estados Unidos na maglalaan ng karagdagang $144 milyon para sa siyam na lokasyong militar sa Pilipinas, kabilang ang pagpapatayo ng mga gusali at iba pang pasilidad upang mapahusay ang kahandaan para sa humanitarian at combat operations.
Mas mataas ito kumpara sa naunang $129 milyon na ipinangako noong panahon ng gubyerno ni US President Joe Biden para sa pagtatayo ng mga bodega, barracks, at iba pang military-grade facilities sa siyam na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Sa joint statement ng U.S. Embassy sa Maynila nitong Martes, sinabi ng Amerika na gagamitin din nito ang available na Foreign Military Financing para mapabilis ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
Noong 2024, binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng access ang Estados Unidos sa apat pang karagdagang EDCA sites malapit sa Taiwan Strait at sa pinagtatalunang South China Sea.
Sa ilalim ng EDCA, pinahihintulutan ng Maynila ang Washington na mag-rotate ng tropa at mag-preposition ng defense materials, kagamitan, at suplay sa mga itinakdang lokasyon sa bansa.
Samantala, sa naturang pagpupulong, muling pinagtibay ng mga opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang pangako sa 1951 United States-Philippines Mutual Defense Treaty (MDT).
Ang Pilipinas at Estados Unidos ay nakatali sa matagal nang 1951 MDT na nagsasaad na tutulungan ng bawat isa ang isa’t isa sakaling magkaroon ng agresyon mula sa panlabas na puwersa.
“Binigyang-diin nila na saklaw ng MDT ang armadong pag-atake laban sa sandatahang lakas, aircraft, at public vessels ng alinmang bansa — kabilang ang mga coast guard — saanman sa Pacific, kabilang ang South China Sea,” ayon sa pahayag.
Headquartered in Singapore with reporters spread across all major regions, GBP Aerospace & Defence is a leading media house that publishes three publications that serve the aerospace and defence sector - Asian Defence Technology, Asian Airlines & Aerospace and Daily News. Known industry-wide for quality journalism, GBP Aerospace & Defence is present at more international tradeshows and exhibitions than any other competing publication in the region.
For over three decades, our award-winning team of reporters has been producing top-notch content to help readers stay abreast of the latest developements in the field of commercial aviation, MRO, defence, and Space.
Copyright 2026. GBP. All Rights Reserved.